T UMAYO si Dick. May epekto na nga sa kanya ang ininom na dalawang bote ng beer. Medyo napapasuray siya.
Tinungo niya ang refrigerator na kinaroroonan umano ng shampoo. Kung bakit kasi papasok sa banyo si Jinky ay hindi muna ihanda ang mga gagamitin gaya ng shampoo. Naikumpara niya ang sarili kay Jinky. Siya kapag maliligo ay nakahanda na ang lahat – shampoo, brief at saka tuwalya. Kapag nakahanda, wala nang aabalahing tao. Kung hindi lamang mabait si Jinky at pinainom pa siya ng beer ay hindi niya ito susundin.
“Nakita mo Tito Dick?”
Narinig niyang tanong ni Jinky mula sa banyo. Malapit na siya sa kinaroroonan ng ref. Nakita niya ang nakapatong na sachet ng shampoo.
“Oo nakita ko Jinky.”
“Pakiabot mo Tito Dick.’’
“Ito bang nasa sachet ang shampoo mo?”
“Oo, Tito Dick.”
Kinuha niya at dinala kay Jinky.
“Eto na ang shampoo, Jinky,” sabi niya nang malapit na sa pintuan.
“Tito Dick, pakigupit ang dulo ng shampoo. Nalimutan kong sabihin.”
Napakamot si Dick sa ulo.
“Nasaan ang gunting, Jinky?”
“Nasa kusina. Nakasabit sa may lalagyan ng pot holder. Paki na lang Tito Dick.”
Nagbalik sa kusina si Dick. Hinanap niya ang kinalalagyan ng pot holder. Hindi niya makita. Lasing na yata siya. Wala siyang makitang pot holder. Nasa kusina raw. Ang laki ng kusina.
Tiningnan niya sa may gas range. Wala. Tiningnan sa may lalagyan ng bigas sa sulok. Wala rin.
Nasaan kaya ang gunting na iyon.
Hanggang sa masulyapan niya ang lalagyan ng kawali at kaserola sa ilalim ng lababo. Naroon ang pot holder. Naroon din ang gunting na nakasabit sa pako.
Kinuha niya at ginupit ang dulo ng sachet ng shampoo. Mabilis na dinala kay Jinky. Parang masusubsob siya. Lasing na nga yata siya.
“Eto na ang shampoo Jinky. Hindi ko agad nakita ang gunting.’’
“Pakiabot Tito Dick,” sabi ni Jinky mula sa loob.
Nakaawang nang bahagya ang pinto. Itinulak niya nang marahan para maiabot.
“Eto o.”
“Akina Tito Dick!” Biglang binukas ni Jinky ang pinto. Gulat si Dick. Hubo’t hubad si Jinky!
(Itutuloy)