Vagina, naka-engraved sa lapida

BAGO namatay si Milena Marinkovic, nasabi niya ang huling kahilingan sa kanyang mister. Para raw ito matigil sa pambababae, ipa-engraved daw nito ang kanyang vagina sa lapida. Kung ang kanyang vagina raw ang naka-engraved sa lapida lagi raw siyang maaalala ng kanyang mister at hindi nito magagawang mambabae. Isang retrato ng kan­yang vagina ang iniwan ni Melina para makasigurong tama ang pagkaka-engrave nito sa lapida.

Nahirapan naman si Mr. Marinkovic sa paghanap ng taong mag-e-engraved ng vagina sa lapida. Katwiran ng mga stonemasons, blashphemous ang pag-eengraved ng vagina sa lapida.

Pero nakahanap din Mr. Marinkovic ng taong mag-e-engraved. Nang matapos ang pag-e-engraved, nagustuhan ni Marinkovic ang pagkakagawa ng vagina. Kaparehong-kapareho raw ito.

Nagtataka naman ang bayaw ni Marinkovic sa naka-engraved sa lapida dahil mukha raw itong ibon na may malaking tuka.

Show comments