ANG panonood ng horror movie ay nakakapayat. Kapag daw nanonood ng horror, nai-stress ang nanonood at dahilan para tumibok nang mabilis ang puso at tumaas ang adrenaline.
Ang mga researcher sa University of Westminster ay mino-monitor ang kanilang mga subject habang nanonood ng horror films. Nirerekord ng mga researcher ang oxygen intake, carbon dioxide exhalations at ang pulso.
Ang resulta ng kanilang report, nakaka-burn ng calorie ang panonood ng horror. Mas mabuti ito kaysa kumain ng chocolate.
Ang limang pelikula na na-registered na mataas maka-burn ng calories ay ang: The Shining, Jaws, The Exorcist, Alien at Saw.