Ating guro, ating gabay

DAHIL ang Oktubre ay Buwan ng mga Guro, ihahabol ko ang isang tulang alay sa mga tinaguriang ikalawang ina.

 

Kapuri-puri ka aming guro

Ikaw ay itinalaga,

Upang aming maging pangalawang ina.

Na sa araw-araw amin kang makakasama

Nagtitiyaga, masigurado lamang

Na ang bawat titik ng alpabeto ay aming mabigkas  ng tama.

At sa bawat kumpas  ng iyong mga kamay at mga daliri,

Matematika, tiyak ang kaniyang taglay.

At kahit na sa init ng ating silid-aralan

Pawis ay di kailan man alintana.

Pagkat sinisigurado mo, aming guro

Bawat leksyon ay may bagong natutunan.

At sa bawat pagtatapos, sa araw ng iyong pagtitiyaga,

Masinsin mo kaming sinusuri

Upang matiyak na sa aming pag-uwi,

May bagong kuwento kay Ina aming maibabahagi.

Kapuri-puri ka aming guro,

Pagkat naituro mo sa amin

Kung paano makisalamuha.

Makipagkaibigan at ma­tutong igalang

Sino man ang aming isinasamba,

Ano man ang aming lahing kinabibilangan.

Iminulat mo kami sa ka­halagahan ng pagtawid ng tulong

Sa tunay na mga nanga­ngailangan.

Gayundin ang kilalanin ang huwad at nagsasamantala lamang­.

Ginabayan mo kaming huwag mangiming ilahad ang aming damdamin.

Na maging malaya sa aming mga pananaw.

Laging maging matibay at handa sa mga pagsubok na darating.

At higit sa lahat na tumatak sa aking isipan,

At walang sawang kabilin-bilinan mo, aming guro

Huwag na huwag kaming pagsisimulan ng gulo,

Na hindi kami kailangan makapanakit upang makamtan ang minimithi.

Huwag lamang kamao ay dadampi,

Pagkat di ka uurungan maipagtanggol lamang ang aming lahi.

Show comments