Number coding suspendido sa Nob. 2 - MMDA

Motorists navigate both lanes of España Boulevard in Manila.
The Philippine STAR / Jann Conrad Bonifacio

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Deve­lopment Autho­rity (MMDA) na suspendido ang Expanded Number Coding Scheme sa Lunes, Nobyembre 2, 2026.

Ito ay dahil sa paggunita sa All Souls’ Day, na itinakdang special non-working holiday.

Ayon sa MMDA na otomatikong sinuspinde ng MMDA ang number ­coding tuwing may mga regular at special non-working holiday.

Una nang nagsagawa ng inspeksiyon kamakailan ang MMDA sa pangu­nguna ni MMDA Chairman Atty. Don Artes sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong uuwi ng kani-kanilang pro­binsya ngayong Undas 2026.

Kabilang sa mga ininspeksiyong terminal ang Five Star, Baliwag Transit, at Genesis Transport Services.

Hinihikayat ang mga motorista na planuhing mabuti ang kani-kanilang biyahe at sumunod sa mga batas-trapiko.

Show comments