23 Chinese, 3 Malaysian ipinatapon ng BI

MANILA, Philippines — Nasa 23 pang Chinese at 3 Malaysian nationals na pawang illegal aliens na bahagi ng 450 naaresto sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga dayuhan ay pinasakay sa Philippine Airlines at Malaysian Airlines flights, palabas ng Pilipinas.

Una nang iniulat ng BI ang 57 dayuhan na ang naipadeport mula Enero 31 hanggang Peb. 5 na kinabibilangan ng 46 Chinese, pitong Myanmar nationals, tatlong Vietnamese at isang Malaysian.

Nangako si Viado na patuloy na makikipagtulu­ngan ang BI sa iba pang ahensya ng gobyerno para matukoy at maalis ang mga dayuhang sangkot sa ilegal na aktibidad alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na puksain ang mga POGO.

“We are resolute in enforcing immigration laws and ensuring that those who exploit our country for illicit activities are removed,” ani Viado.

Show comments