Mahigit P72 milyong shabu nasamsam sa inabandonang bagahe sa NAIA

Passengers wait to board at NAIA’s terminal lounge.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasamsam sa isinagawang operasyon ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay City ang nasa mahigit 10 kilo ng shabu, kahapon ng hapon.

Sa naisinumiteng ulat sa Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office, National Capital region, isang inabandonang bagahe ang nadiskubre sa Custom Exclusion Room ng International Arrival Area, Terminal 3, Pasay City, alas-12:00 ng tanghali.

Nakita sa tag na ang bagahe ay nagmula sa Johannesburg, South Africa na may connecting flight papuntang Manila, Philippines.

Sa kanilang pagtaya, nagkakahalaga ng P72,800,800.00 ang nasabing droga.

Iimbestigahan ang sender at recipients para sa isasampang reklamong paglabag sa Republic Act 9165.

Show comments