SUV nagliyab sa EDSA flyover

MANILA, Philippines — Isang SUV ang nag­liyab sa northbound lane ng EDSA-Ortigas flyover, Quezon City na ikinasugat ng dalawang binti ng driver naganap, kama­kalawa ng gabi.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, agad namang rumesponde ang apat nilang truck at naa­pula ang apoy, alas-9:12 ng gabi.

Bagama’t walang napaulat na nasawi sa insidente, nagtamo ng minor burn sa dalawang binti ang 51-anyos na driver ng SUV nang hindi makalabas ng sasakyan.

Agad dinala sa ospital ang driver at nilapatan ng paunang lunas. Wala ring iniulat na nadamay na iba pang mga sasakyan sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa sanhi ng pagliyab ng kotse na ngayon ay nasa impounding area ng Metro Manila Development Autho­rity (MMDA).

Show comments