MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng kanilang “Boses ng Bayan” ay inilabas ng RPMD Foundation Inc., ang mga resulta ng kanilang independiyente at hindi kinomisyon na survey hinggil sa ‘senatorial preferences’ para sa nalalapit na halalan ng 2025. Isinagawa ang survey mula Disyembre 20 hanggang 28, 2024, at kumolekta ng mga sagot mula sa 3,500 na kalahok mula sa buong Pilipinas, kung saan tinanong sila kung sinu-sino ang 12 kandidatong pinakamalamang nilang susuportahan sa Senado kung ang halalan ay gaganapin ngayon.
Narito ang resulta: Statistically-tied sina Sen. Bong Revilla Jr. (53%) at Rep. Erwin Tulfo (52%) sa ika 1-2 pwesto; Sen. Bong Go (50%) at dating Sen. Tito Sotto (49%) sa ika 3-4 na ranggo; dating Sen. Manny Pacquiao nasa ika 5 may 46%; broadcaster Ben Tulfo ay nasa ika 6 na may 43%, habang sina Sen. Pia Cayetano (40%) at dating DILG Sec. Benhur Abalos Jr. (39%) ay tied sa ika 7-8 na pwesto.
Si Sen. Francis Tolentino (36%) ay nasa ika 9, at si Cong. Camille Villar (33%) ay nasa ika 10 pwesto. Nasa 11th-13th na pwesto sina Sen. Imee Marcos (30%), dating Sen. Ping Lacson (29%), at Sen. Lito Lapid (28%), habang ang celebrity host na si Willie Revillame ay nasa ika-14 na pwesto na may 25%.
Nagkatabla naman sina Sen. Bato dela Rosa (22%) at Mayor Abby Binay (20%) sa ika 15-16 na pwesto. Si Sen. Kiko Pangilinan, dating Gov. Chavit Singson, at dating Sen. Bam Aquino ay nasa ika 17-19 na pwesto na may 17%, 17%, at 16%, ayon sa pagkakasunod. Si Rep. Wilbert Lee ay nasa ika-20 na pwesto na may 13%.
Binigyang-diin ni Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD, ang kahalagahan ng survey sa pagkuha ng tunay na saloobin ng mga botante sa buong bansa.