VP Sara, ex-presidents tinanggal sa NSC ni Marcos

Vice President Sara Duterte attends her office's first budget hearing with the House appropriations committee on August 28, 2024.
House of Representatives / Release

MANILA, Philippines — Naglabas ang Malacañang ng Executive Order No. 81 na para sa reorganization ng National Security Council na kung saan ay tinanggal sa puwesto si Vice President Sara Duterte at mga da­ting pangulo ng bansa.

Dinepensahan ni Executive Sec. Lucas Bersamin, ang layunin ng Executive Order No. 81 upang gawing mas episyente at epektibo ang membership ng NSC.

Sabi ni Bersamin, sa ngayon ay hindi ikinukinsiderang relevant ang bise presidente sa mga responsibilidad ng konseho.

Gayunpaman, may kapangyarihan naman anya ang Pangulo na magdagdag ng mga mi­yembro at advisers kung kakailanganin.

Binalasa ni Pang. Marcos Jr. ang mga miyembro ng National Security Council kung saan tinanggal ang bise-presidente at mga dating pangulo bilang mga miyembro nito.

Napag-alamamg dati na ring nagkaroon ng mga pagbabago sa orga­nisasyon ng NSC sa mga nakalipas na administrasyon partikular sa ilalim ng liderato nina dating Pang. Fidel Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo.

Show comments