78-anyos utas sa ‘judas belt’, biktima ng paputok pumalo na sa 125 – DOH

Nabatid nitong Sabado na mula sa Central Luzon ang biktimang hindi pinangalanan na ginamot pa sa ospital subalit idineklarang patay nitong Biyernes, Dis. 27.
PPA Pool photos by Revoli Cortez

MANILA, Philippines —  Isang 78-anyos na lolo ang nasawi habang nakapagtala na ng kabuuang 125  firecracker-related injuries mula Disyembre 22 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Dis. 28, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) kahapon.

Nabatid nitong Sabado na mula sa Central Luzon ang biktimang hindi pinangalanan na ginamot pa sa ospital subalit idineklarang patay nitong Biyernes, Dis. 27.

Ang biktima ay nagsindi umano ng judas belt noong Dis. 22 na sanhi ng kaniyang kamatayan matapos ang ilang araw.
Paalala ng DOH sa kanilang Facebook page, “ANG PAGPAPAPUTOK AY NAKAMAMATAY, kaya dapat isipin na huwag na lang magpaputok, lumayo sa mga nagpapaputok. Isumbong sa mga awtoridad ang mga nagpapaputok sa pampublikong lugar” Anang DOH, sakaling masabugan, magtungo kaagad sa pinakamalapit na health center o tumawag sa 911 o 1555 para sa agarang lunas.

Sa datos mula sa 62 Sentinel Sites na minomonitor ng DOH para sa firecracker-related injuries, ang kabuuang 125 na biktima ay may 102 ang nasa 19 taong gulang at 23 naman ang 20-anyos pataas, kung saan 114 ang lalaki at 11 ang babae.

Show comments