Higher alert level sa Kanlaon volcano, pinaghahandaan na - OCD

Kanlaon Volcano exhibits heightened unrest, emitting steam from its crater on Sept. 10, 2024, 5:30 a.m.
Phivolcs via Facebook

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang Office of Civil Defense (OCD) sa pagpapatupad ng higit na mas mataas na alert level sa Kanlaon volcano sa Negros Island, sa gitna na rin ng patuloy na banta ng Kanlaon volcano na tumitindi ang pag-aalburuto.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) 6 Western Visayas Director at Task Force Kanlaon Chief Raul Fernandez, kabilang sa mga scenarios na kanilang pinag­hahandaan ay ang pagdaloy ng lava, mas malakas na pagsabog ng bulkan o ang plateu volcanic activity.

Sinabi ni Fernandez na base sa kanilang assessment at pagkukum­para sa iba pang mga aktibong bulkan ay may indikasyon na ang mga nakalipas na pagsabog ng Kanlaon ay magdudulot ng pagdaloy ng lahar.

Tiniyak naman ni Fernandez ang sapat na relief goods para sa mga pamilya na apektado ng pagputok ng bulkan habang namahagi na rin ang lokal na pamahalaan at Philippine Red Cross sa pamamahagi ng ‘hot meals’ sa mga evacuation centers.

Sa kasalukuyan, base sa datos ng DSWD, umaabot na sa P 36.19 milyon ang naipamahaging ayuda sa mga naapektuhang pamilya kabilang ang kontribusyon ng mga Local Government Units (LGUs ) at mga non-government organizations (NGOs).

Show comments