MANILA, Philippines — Limang bigtime ‘tulak’ ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation at nasamsam sa kanila ang nasa P4.7 milyong halaga ng shabu sa Taguig City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga suspek na sina “Maeng,” 55, ng Tramo St., San Dionisio, Parañaque City; at “Tong,” 32, ng Purok 7 FTI, Taguig sa Langka Road, Western Bicutan, Taguig City na naaresto alas-5:45 ng hapon at nasamsam ang nasa 500 gramo ng shabu na umaabot sa P3.4 milyon.
Sumunod ay bandang alas-9:55 ng gabi nang madakma ang tatlo pang ‘tulak’ na kinabibilangan ng 52, 46 at 27-anyos na mga lalaki sa isang bahay sa Mangondato St., Maharlika Village, Taguig City at nasa 4 na heat-sealed transparent plastic sachets na tinatayang nasa 200 gramo na may halagang P1.3 milyon at non-drug evidence ang nakumpiska.