MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng Intelligence Service Unit of the Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang nasawi sa naganap na ambush sa Barangay Baimbing, Lamitan City, Basilan, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Police Corporal Halima Ilul, intelligence operative ng Lamitan City police office, na iniulat nito sa pamamagitan ng telepono ang insidente, pasado alas-6:00 ng gabi.
Batay sa inisyal na ulat, na ang tatlong biktima na hindi pinangalan ay sakay ng kulay gray Toyota HiAce van na For Registration nang sila ay paulanan ng bala ng hindi pa kilalang mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng kalsada ng Barangay Baimbing.
Namatay noon din ang tatlong sundalo na umano ay may intelligence mission sa isang lugar sa Basilan nang sila ay na-ambush.