POGO hub sa Island Cove, isinara na

Pinangunahan ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, Philippine National Police Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz, at Alejandro Tengco, chairman, Philippine Amusement and Gaming Corp., ang pagkandado sa POGO hub sa Island Cove facility, Kawit, Cavite.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tuluyan nang kinandado ng mga otoridad ang pinakamalaking POGO hub sa bansa na Island Cove kahapon ng umaga sa Kawit, Cavite.

Personal na ininspeksyon nina Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, PNP Chief Rommel Francisco Marbil, PAGCOR Chairman Alejandro Tengco at PAOCC Exec. Director Gilbert Cruz ang ilang mga kwarto sa loob ng nasabing POGO Hub.

Nadatnan ng mga opisyal ng gobyerno sa loob ang mga blangkong kwarto kung saan mga gamit na lamang ang na­tira dahil hindi na umano sila nag-o-operate.

Ayon kay Remulla, personal niyang binisita ang lugar upang masi­guro at maipakita sa publiko na sinunod  nila ang kautusan ng Pangulo  at masunod ang target na hanggang Disyembre 31 na lamang.

Nasa 33 ektarya ang nasabing pasilidad at tinatayang lagpas 10,000 indibidwal ang mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng naturang POGO Hub.

Taong 2019 nang magsimulang mag-ope­rate ang POGO sa dating resort.

Show comments