Malacañang wala pang desisyon kung bibigyan ng pardon si Veloso

Filipina inmate on death row in Indonesia Mary Jane Veloso waves to journalists at the Yogyakarta Class IIB Women's Correctional Institution in Wonosari, Yogyakarta, on December 15, 2024, before her transfer to Jakarta after Indonesia and the Philippines signed an agreement last week to repatriate her. Mother of two Mary Jane Veloso, 39, was arrested and sentenced to death in 2010 after the suitcase she was carrying was found to be lined with 2.6 kilograms (5.7 pounds) of heroin, in a case that sparked uproar in the Philippines.
AFP/Devi Rahman

MANILA, Philippines — Hindi pa umano magbibigay ng pahayag ang Malacañang kung bibigyan ng pardon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Mary Jane Veloso pagdating sa bansa.

Kasunod ito ng ina­asahang pagdating sa Pilipinas ngayong araw ni Veloso mula sa Indonesia matapos mapiit dahil sa kasong illegal na droga.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi pa masabi kung ano ang mangyayari pagda­ting ni Veloso dahil ang prayoridad ngayon aniya ng Pangulo ay mapauwi ito ng walang anumang aberya o pagkaantala.

“Nothing to say yet on what may happen. The priority of PBBM is to have Veloso repa­triated without delay,” saad ni Bersamin. Samantala, sinabi kahapon ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General ­Gregorio Catapang Jr. na sa pagdating ngayong araw ni Veloso mula sa Indonesia ay ididiretso ito sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Sumulat na ang pamilya ni Veloso kay Pangulong Marcos Jr. noong nakalipas na ­linggo at hiniling na mabigyan ito ng executive clemency.

Umaasa ang pamilya Veloso na mapagbibigyan ang kahilingan nila para makapiling na nila ito ng tuluyan.

Show comments