Kelot mistulang nagmamakaawa bago pinatay

MANILA, Philippines — Mistulang nagmama­kaawa ang lalaking nakaposas bago ito barilin nang malapitan na ang bangkay ay iniwan sa  kahabaan ng AA Drive, Brgy. Pasong Buaya 1, Imus City, Cavite, kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na tinatayang nasa edad na 35 hanggang 40-anyos, may taas na 5’3, medium built ang katawan at nakasuot ng itim na t-shirt, asul na jogging pants at asul na jacket.

Nakaposas ang mga kamay ng biktima at nakaluhod ito nang matagpuan sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lamang ito sa nasabing lugar.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng biktima at naghahanap din ng CCTV sa lugar na posibleng nahagip ang mga suspek.

Show comments