Assassination claims ni VP Sara, imbento lang! – solons

Vice President Sara Duterte on October 18, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Imbento o peke lang ang assassination claims ni VP Sara Duterte sa kaniyang sarili na walang ipinagkaiba sa Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin na pawang mga inimbentong recipients ng confidential funds.

Ito ang sinabi ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre base sa naging assessment at pahayag nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla at Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo na kapwa iginiit na walang kredibleng banta sa buhay ni VP Sara.

Sinabi ni Acidre na kung may banta man ay tanging kay VP Sara Duterte ito nanggaling mismo kaugnay ng kontrobersyal nitong pahayag na nag-hire na siya ng assassin upang itumba sina Pangulong Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyari umano sa kaniya.

Maging ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nagsasagawa na rin ng imbestigasyon sa bantang assassination ni VP Duterte.

Inihayag naman ni Bataan Rep. Geraldine Roman, Chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality,walang basehan ang mga pinagsasabi ni VP Sara sa kaniyang death threat at sa kaniyang palagay ay nais lamang nito ng simpatiya ng kaniyang mga supporters.

Show comments