Ate patay sa 10 saksak ng bunso

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 32-anyos na ginang matapos ataduhin nang saksak ng bunsong kapatid na lalaki sa gitna ng kanilang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Banaybanay, Amadeo, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng 10 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Ruth Marquez habang ang suspek ay bunsong kapatid na si alyas Ruel, kapwa residente ng lugar ay agad na tumakas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2:20 ng hapon ay narinig ng ibang kapatid ang pagtatalo ng magkapatid sa hindi pa malaman na dahilan.

Habang nasa mainitang pagtatalo ay kumuha ng patalim ang suspek at sinugod ang kaniyang ate at paulit-ulit na pinagsasaksak sa katawan.

Nang duguang bumag­sak ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek habang dinala sa ospital ang una, subalit idineklarang dead on arrival.

Show comments