MANILA, Philippines — Isang barangay chairwoman at mister nito ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng umaga sa Iloilo.
Hindi na umabot ng buhay sa Passi City Hospital ang mga biktimang sina Brgy. Chairwoman Michelle Lapastora Lamela, 47, at mister na si Rodney Arellano Lamela, 48, kapwa residente ng Brgy. Sto. Niño, Dueñas, Iloilo
Sa ulat, alas-9:40 ng umaga kahapon sa Brgy. Tinucuan, Dueñas, Iloilo ay sakay ng motorsiklo ang mag-asawa patungo sa bayan nang tabihan ng riding-in-tandem at pinababaril sa ulo at katawan ang mag-asawa.