134K katao isinailalim sa preemptive evac – NDRRMC

This handout photo taken on Nov. 15, 2024 and released by the Philippine Coast Guard (PCG) on November 16 shows coast guard personnel evacuating residents during an operation in Virac town, Catanduanes province, ahead of the arrival of Typhoon Many-yi. Philippine authorities ordered all vessels back to shore and people in coastal communities to leave their homes on November 16 as Typhoon Pepito neared the storm-weary archipelago nation, with forecasters expecting it to intensify before making landfall.
Photo by handout / Philippine Coast Guard / AFP

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 40,000 pamilya o nasa mahgit 134-libong indibiduwal ang isinailalim sa preemptive evacuation habang “zero casualty” naman ang target sa pagtama ng bagyong Pepito Sabado ng gabi o umaga ng Linggo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Sa pagtaya ng weather bureau si super typhoon Pepito ay inaasahang magla-landfall sa Catanduanes sa gabi ng Sabado o Linggo ng umaga kung hindi ito magbabago ng direksiyon.

“As of 7 a.m. today, we have received reports that 43,623 families, or 134,653 individuals, agreed to the forced evacuation implemented by the local government units (LGUs) to ensure their safety,” pahayag ni NDRRMC Executive Director at OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno sa press briefing.

Alinsunod sa kautusan ni Defense Secretary at NDRRMC Chairman Gilberto Teodoro Jr., isinagawa ang proactive evacuations kung saan ay inihanda na rin ang mga emergency response assets kabilang ang family food packs at hygiene kits.

“On top of that, we have 36,694 uniformed personnel on standby for search, rescue, and relief operations, and a total of 2,299 land vehicles, watercraft, and navy vessels ready for deployment,” giit ng opisyal.

“We aim for zero ­casualty with Pepito. We’ve undergone massive preparations in Regions 1, 2, Cordillera Administrative Region, Regions 3, 4-A, 8, and CALABARZON,” ayon kay Nepomuceno kaugnay ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maghanda sa worst case scenario.

Nanawagan din ang opisyal sa mga residente sa mga high risk areas na posibleng tamaan ng “storm surge” at “landslide prone areas” na dadaanan ni Pepito na pakinggan ang panawagan ng pamahalaan na magsilikas.

Aniya, ang storm surge sa mga coastal areas ay posibleng umabot sa dalawa hanggang tatlong metro sa mababang lugar. 

Show comments