‘Pepito’, isa nang malakas na bagyo - PAGASA

MANILA, Philippines — Isa nang ganap na bagyo si “Pepito” at patuloy ang paglakas nito habang nasa karagatan papalapit ng bansa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 630km silangan ng Guian, Eastern Samar taglay ang lakas ng hanging aabot sa 130km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 160km/h.

Nakataas na ang Signal No. 2 sa eastern portion ng Northern Samar (Mapanas, Gamay, Palapag, Lapinig), northern portion ng Eastern Samar (Arteche, Oras, San Policarpo, Dolores, Jipapad, Maslog), southeastern portion ng Que­zon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catan­dua­nes, Albay, Sorsogon, at Masbate, nalalabing bahagi ng Northern Samar, nalalabing bahagi ng Eastern Samar, Samar, at Biliran.

Inaasahan naman ang tuluy-tuloy na ­rapid intensification ng bagyo kaya malaki ang posibilidad na maging super typhoon pa ito bago mag-landfall sa Catanduanes mamayang gabi.

Samantala, humina naman na ang Bagyong Ofel sa Severe Tropical Storm na huling namataan sa layong 215km hilagang kanluran ng Calayan Cagayan.

Nasa Signal No. 2 pa rin ang Batanes habang Signal No. 1 naman ang northern portion ng Cagayan (Pamplona, Claveria, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Ballesteros), Babuyan Islands, northern portion ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Calanasan) at northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg, Burgos, Pasuquin, Vintar, Bacarra, Piddig, Carasi).

Palabas na ng ­bansa ang bagyong Ofel at patungo na ng bansang Taiwan.

Show comments