VP Sara ‘di dadalo sa House probe sa confi funds

Vice President Sara Duterte attends her office's first budget hearing with the House appropriations committee on August 28, 2024.
House of Representatives / Release

MANILA, Philippines — Nagbigay na ng pahayag si Vice President Sara Duterte na wala siyang balak dumalo sa hearing ng House Committee on Good Government and Public Accounta­bility na nakatakda sa November 20, araw ng Miyerkules.

Dahil nais ni Good Government Panel Chairman Joel Chua na ma­bigyang-linaw ang mga tanong sa paggamit ng confidential funds.

Ayon kay VP Sara, hindi na siya dadalo sa pagdinig dahil pumunta na siya sa unang hearing pero hindi naman siya tinatanong.

Sa mga sumunod na pagdinig, wala ring natanggap na imbitasyon si VP Sara.

Samantala, magpapadala ng sulat si VP Sara sa House Committee on Good Government and Public Accountability upang ipaliwanag kung bakit hindi siya dadalo sa darating na pagdinig at magpapadala rin siya ng affidavit tungkol sa confidential fund.

Samantala, tinawag ni VP Duterte na ‘best dramatic actor’ ang  amang si dating Pang. Rodrigo Duterte, matapos ang pagdalo nito sa imbestigasyon ng House quad-committee sa war on drugs na inilunsad niya noong panahon ng kanyang administrasyon.

Sa sidelines ng 89th founding anniversary cele­bration ng Office of the Vice President (OVP) kahapon, sinabi ni VP Sara na bibigyan niya ng rating na ‘12 out of 10’ ang ama dahil sa naging ‘performance’ nito sa pagdinig.

Show comments