‘Big time’ oil price hike arangkada ngayon

Motorists queue at a gasoline station in Quezon City on July 7, 2024.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Asahan ngayong araw ang ‘big time’ taas-presyo sa produktong petrolyo kung saan magtataas ng higit sa P2 kada litro para sa diesel, at higit sa P1 kada litro para sa parehong gasolina at kerosene.

Sa magkahiwalay na advisories, sinabi ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na magtataas sila ng presyo kada litro ng gasolina ng P1.50, diesel ng P2.10, at kerosene ng P1.20.

Magkakabisa ang mga pagsasaayos sa alas-6:00 ng umaga ngayong Martes, Nobyembre 12.

Samantala, hindi pa naman nakakagawa ng katulad na anunsiyo ang iba pang mga kompanya para sa linggo.

Matatandaan na nagkaroon noong nakaraang linggo ng rollback ng ­presyo ng gasolina ng P0.10, at nagtaas ng diesel ng P0.75, at kerosene ng P0.50.

Show comments