MANILA, Philippines — Epektibo kahapon ay inalis na sa pwesto si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, acting Director Polie Major General Sidney Hernia.
Batay sa kautusan na may petsang Nobyembre 6, 2024 mula sa Philippine National Police (PNP) Camp Crame, “administratively relieved for a period of ten (10) days effective November 7, 2024” si Hernia.
Sa loob lamang ng linggong ito nang pormal na maghain ng reklamo sa National Police Commission (Napolcom) ang ilang Chinese nationals laban kay Hernia at sa 14 niyang tauhan kaugnay sa diumano’y extortion kasunod ng pagsalakay sa Century Peak Tower sa Maynila, kung saan inaresto ang nasa 69 na dayuhan.
Sa inihaing kasong administratibo, hiniling din nila na isailalim sa preventive suspension ang mga inirereklamo upang hindi maimpluwensyahan ang isasagawang imbestigasyon.
Una nang pinabulaanan ni Hernia ang akusasyon na tinawag niyang “absud and unfounded”.