6 Chinese arestado sa P2.4 bilyong pekeng sigarilyo

Nasakote sa operasyon ang mga dayuhang kinabibilangan nina alyas Yanliang; Rock; Zizhan; Zili; at Ziquiang sa operasyon sa Valenzuela habang arestado naman ang isang alyas Wu sa Bulacan na . kinasuhan ng tax evasion, intellectual property violations at human trafficking.
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Anim Chinese national ang naaresto sa serye ng operasyon ng pekeng sigarilyo sa Bulacan at Valenzuela City.

Nasakote sa operasyon ang mga dayuhang kinabibilangan nina alyas Yanliang; Rock; Zizhan; Zili; at Ziquiang sa operasyon sa Valenzuela habang arestado naman ang isang alyas Wu sa Bulacan na . kinasuhan ng tax evasion, intellectual property violations at human trafficking.

Nasamsam ng mga otoridad ang nasa P2.4 bilyong halaga ng pekeng sigarilyo at smuggling equipments sa serye ng operasyon sa Bulacan at Valenzuela  mula Nob­yembre 6-7 ng taong ito.

Isinagawa ang magkakahiwalay na operasyon alinsunod sa pinaigting na operasyon laban sa smuggling ng mga pekeng sigarilyo sa Bulacan at lungsod ng Valenzuela at mula dito’y ipinamamahagi ito sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga kanugnog na lalawigan.

Nabatid pa na ang illegal na planta ng pekeng sigarilyo ay kayang magprodyus ng tinatayang 12.9 milyong siga­rilyo kada araw na tinatayang nasa P 45 milyon kada araw.

Ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang items sa Bulacan kabilang ang mga production machinery at raw materials ay tinatayang nasa P1.245 bilyon habang sa Valenzuela ay nasa P1.158 bilyong halaga ng mga peke at ipinagbabawal na brand ng sigarilyo.

Show comments