MANILA, Philippines — Agad na nasawi ang isang motorcycle rider matapos na mahulog sa may 100 metrong lalim na bangin kamakalawa ng madaling araw sa Talisay City, Cebu.
Sa pamamagitan ng kanyang drivers license, nakilala ng Talisay Traffic Operations and Development Authority ang biktima na si Benjie Acruz, 23, tubong Pinamungajan town at residente ng Barangay Kalunasan, Cebu City.
Sa imbestigasyon, nangyari ang aksidente bandang alas-4 ng madaling araw sa bangin ng Sitio Santol, Barangay Campo Cuatro, Talisay City, Cebu.
Ilang residente ang nakarinig ng pagkahulog ng biktima kaya agad silang humingi ng tulong sa ilang barangay officials.
May taas na 100-feet ang bangin.
Narekober ng mga tauhan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office ang bangkay ni Acruz sa baba ng bangin na malapit sa ilog.