Price freeze sa mga niragasa ni ‘Kristine’

Residents go on their daily lives inside Naga City Hall in Camarines Sur on Friday, after two days since the onslaught of Typhoon #KristinePH

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na tutukan ang presyo ng mga pa­ngunahing bilihin sa lugar na nasalanta ng bagyong Kristine.

Sinabi ng Pangulo nito na dapat bantayan ng DTI kung sumusunod ang mga nagtitinda sa price control sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Inatasan din ng presidente ang DTI na siguruhin na tuluy-tuloy ang supply ng kalakal o kalakalan sa mga lugar na naapektuhan ng nasabing bagyo.

Sinabi naman ng DTI na nag-isyu na sila ng 60-day price freeze sa mga pangunahing bilihin tulad ng mga delate, instant noodles, tinapay, gatas, kape kandila, sabon panglaba at asin gayundin ang bottled water sa mga lugar na idineklara na nasa ilalim ng state of calamity.

Kaya sinumang lalabag sa price freeze ay mahaharap sa parusang pagkakakulong ng isa hanggang 10 taon o pagmumulta ng mula P5,000 hanggang P1 milyon.

Hinikayat ng DTI ang mga consumers na i-report ang mga retailers, distributors at manufacturers na magbebenta sa itinakdang presyo.

Show comments