MANILA, Philippines — Nakabalik na sa bansa sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos mula sa pagdalo sa inagurasyon ni Indonesian President Prabowo Subianto sa Jakarta.
Ayon kay Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez, dumating sa bansa ang sinakyang eroplano ng Pangulo kinse minutos bago mag-alas singko ng umaga kahapon.
Sinabi ng Pangulo sa kaniyang social media page na nagagalak silang naging bahagi sila ng makasaysayang aktibidad sa Jakarta kung saan nakahalubilo rin ang mga kaibigan sa international community.
Kinilala rin ng Presidente ang mga naging kontribusyon ni dating President Joko Widodo lalo na sa pagpapalakas sa Indonesia.
“It was a special evening with our friend from the international community as we celebrated President Prabowo Subianto’s assumption of leadership. Liza and I were honored to be part of such a meaningful even,” saad ng Pangulo.