Tony Yang sinampahan ng 16 kaso ng NBI

Tony Yang, also known as Yang JianXin, during the Senate investigation inquiring on his citizenship and involvement with his brother Michael Yang on Sept. 23, 2024.
Office of Sen. Risa Hontiveros via Facebook

MANILA, Philippines — Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng 16 kaso ng falsification of public documents, perjury at paglabag sa Anti-alias Law, si Yang Jian Xin o kilala bilang Antonio Lim y Maestrado, Antonio M. Lim, Tony Lim at Tony Yang na kapatid ni dating presidential econo­mic adviser Michael Yang.

Ayon sa NBI, ang kaso ay naisampa makaraang makumpirma na gumagamit si Yang ng ibat ibang aliases upang makapagtayo at makapag rehistro ng ibat ibang kompanya sa Securities & Exchange Commission sa  Cagayan de Oro City.

“Respondent concealed his identity as a Chinese national, obtained a Filipino birth certificate, and used his Filipino name/s as incorporator of these corporations, thus committing falsification in the corporations’ Articles of Incorporation and By-Laws. He was also charged for committing Perjury and illegal use of alias,”nakasaad sa pahayag ng NBI.

Ang kaso ay naisampa ng NBI sa tanggapan ng City Prosecutor sa Cagayan de Oro City.

Sinasabing ang 16 na reklamo ay sasailalim sa preliminary investigation at inaasahang mas maraming reklamo pa ang maisasampa laban dito sa susunod na mga araw.

Si Yang ay naaresto sa NAIA Terminal 3 noong nagdaang Setyem­bre 19 dahil sa reklamong human trafficking at uma­no’y pagkakasangkot sa iligal na operasyon ng Philip­pine Offshore Gaming ­Operators (POGO) sa bansa. 

Show comments