MANILA, Philippines — Papalo sa mahigit P2 ang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Inaasahang magtataas ng hindi bababa sa P2 kada litro ang presyo ng petrolyo ng mga kumpanya ng langis dahil sa lumalalang kaguluhan sa Middle East.
Ayon sa pagtaya ni Rodela Romero, director ng Department of Energy Oil Industry Management Bureau, maaaring tumaas ng P2 hanggang P2.30 ang kada litro ng gasolina. Ang diesel naman ay mula P2.35 hanggang P2.65.
Inaasahang magkakaroon ng pinakamalaking pagtaas ang presyo ng kerosene o gaas mula P2.45 hanggang P2.55 kada litro.
Kadalasang inaanunsiyo ng mga kumpanya ng langis ang kanilang official prices tuwing Lunes at ipinatutupad ito kinabukasan o sa araw ng Martes.