MANILA, Philippines — “Walang puwang sa aking pamamahala ang extra judicial killings (EJK) at tutukuyin ang mga supplier ng illegal drugs sa bansa.”
Ito ang tahasang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at walang EJK na ipatutupad dahil hindi ito ang solusyon sa talamak na bentahan ng illegal drugs sa bansa.
Sa kanyang unang press conference na ginanap sa Camp Crame, sinabi ni Remulla na ang sinumang nasasangkot sa illegal drugs ay dapat na sumailalim sa imbestigasyon at paglilitis ng korte.
Hindi sapat na testimonya lamang ng saksi ang pagbabasehan dahil posibleng sumira ito sa buhay ng isang indibiduwal.
Tiniyak din ni Remulla na walang sacred cows sa kaso at sinumang mapatunayang may sala ay dapat na maparusahan at walang special treatment.
Dagdag pa ni Remulla, bagama’t maganda ang record sa mga ‘tulak’ tututukan din nila ang mga supplier ng illegal drugs.