Kasabay ng World Rabies Day
MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng World Rabies Day, isang bagong animal shelter na may kapasidad na magkanlong ng mahigit 100 inabandonang hayop at magbibigay serbisyo sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga animal pets ang pinasinayaan sa Las Piñas City nitong Biyernes.
Pinangunahan ng City Veterinary Office sa pamumuno ni Dr. August Michael Basangan, ang pagbubukas ng animal shelter na kabilang sa mga proyekto ni City Mayor Mel Aguilar.
Ayon kay Basangan, ang City Veterinary Office ay nakikipagtulungan sa mga lokal na grupo ng pagliligtas ng mga hayop upang tumulong na bigyan ang mga inabandona at napabayaang mga hayop ng pangalawang pagkakataon sa buhay.
Kabilang ang mga programa sa pag-aampon, deworming, pagbabakuna para sa anti-rabies, at pagpaparehistro ng alagang hayop.