Arraignment ni Alice Guo sa kasong graft, muling iniliban

Dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo faces the Senate probe on illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) on September 9, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Bureau of Jail Mana­gement and Penology (BJMP) na muling ipinagpaliban kahapon ang arraignment kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para sa kaso nitong graft sa Valenzuela City RTC.

 “Hearing of Alice Guo in Valenzuela today is canceled and reset to October 28 afternoon,” sabi ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera.

Sinabi ni Bustinera na isang notice lang ng sche­dule ang ipinaabot sa BJMP.

Nauna nang nagpi­yansa si Guo ng P540,000 sa Valenzuela City Regional Trial Court Branch 282 para sa mga kasong may kinalaman sa mga paglabag sa Section 3(e) at 3(h) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Siya ay kasaluku­yang nakakulong sa Pasig City Jail.

Show comments