Coed todas sa tangkang abortion

MANILA, Philippines — Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ng kanyang lola ang 22-anyos niyang apo sa loob ng banyo na pinaniniwalaang nasawi dahil sa tangkang pagpapalaglag sa kanyang ipinagbubuntis sa Brgy. Sipi, Daraga, Albay, ka­makalawa ng umaga.

Isinailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktimang si “Lyn”, 3rd year college student sa kursong architecture ng isang kilalang unibersidad sa Legazpi City.

Sa ulat, alas-10:45 ng umaga pumasok ng banyo ang lola ni Lyn,subalit nagulat nang tumambad na patay na ang apo na nakatihaya sa sahig ng banyo.

Nadiskubre rin ng matanda ang isang fetus na nakabalot sa adult diaper sa lababo.

Habang natagpuan naman ng kapatid ng biktima ang isang wala ng lamang tablet na may label na E Rose Cap Eve­ning Primrose at apat na maliit na tabletas na nasa ziplock plastic sachet sa loob ng bag nito na pinaniniwalang ininom ng biktima upang malaglag ang ipinagbubuntis.

Sa pahayag naman ng nobyo na si Cardo, habang nagkasama sila ng nobya sa loob ng isang motel sa Legazpi City noong Setyembre 24 ay nakita niyang uminom ng tabletas na pampalaglag ang biktima.

Show comments