Bawas-presyo sa petrolyo ipapatupad ngayong araw

This picture shows pumps in a gasoline station.
STAR / File

MANILA, Philippines — Magandang balita sa mga motorista dahil muling magpapatupad ng rollback sa produktong petrolyo ngayong alas-6:00 ng umaga ang mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Seaoil, P1 ang tapyas presyo sa kada litro ng gasolina, P1.30 sa kada litro ng diesel at P1.65 sa kerosene.

Nag-anunsyo na rin ng kaparehong bawas presyo ang iba pang kum­panya ng langis.

Sinasabing ang galaw sa presyuhan ng petrolyo  sa merkado sa nagdaang apat na araw  ang ugat ng oil price rollback.

Ito na ang ikalawang linggo nang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Show comments