Bigtime oil price rollback gugulong ngayong araw

MANILA, Philippines — Gugulong ngayong Martes ang pagpapatupad ng malakihang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas-presyo na P1.55 sa kada litro ng gasolina, P1.30 sa kada litro ng diesel, at P1.40 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May bigtime oil price rollback din sa presyo ng mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na magiging epektibo alas-12:01 bukas ng madaling araw.

Ang ipatutupad na malakihang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Show comments