MANILA, Philippines — Muli na namang nagpaalala ang Department of Health (DOH) na mag-ingat sa leptospirosis.
Sa kasagsagan ng bagyong ‘Enteng’, muling pinaalalahanan ang publiko sa nasabing sakit na nagmumula sa baha.
“Madumi ang tubig baha. Iwasan hangga’t kaya.”
“Anuman ang dahilan, basta napalusong, kahit walang sugat o nararamdaman, kumonsulta agad sa doktor o health center sa loob ng 1-2 araw,” dagdag pa nito.
Matatandaang matapos manalasa ang bagyong ‘Carina’, sumipa ang mga kaso ng leptospirosis sa mga naapektuhang lugar.