Barbero timbog sa higit P4 shabu

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation ang isang barbero sa  Sta. Cruz, Maynila, bago mag­hatinggabi ng Biyernes.

Kinilala ang suspek na si alyas “Anday”, 51-anyos, tubong Cotabato City at residente ng San Miguel, Quiapo, Maynila at nasamsaman ng tinatayang 700 gramo ng hinihinalang shabu na katumbas ng P4,760,000.00 at narekober ang ginamit na boodle money at isang genuine P500 bill.

Sa imbestigasyon ni P/Master Sgt, Jeffrey Bohol ng Manila Police District-Station 11, alas-11:35 ng gabi nang mabitag ang suspek sa pagbebenta ng shabu sa nagpanggap na buyer, sa isinagawang buy-bust operation sa kanto ng Rizal Avenue at Soler St., sa Maynila ng Station Drug Enforcement Unit , na pinangunahan ng hepe na si P/Lt. Marvin Flores.

Show comments