Ex-lady cop, 1 pa tiklo sa droga

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Joan, 37, AWOL na pulis, at alyas Trudis, alas-4:20 ng hapon sa harap mismo ng tahanan ng mga ito.
File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang AWOL (absent without official leave) na police woman at isang kasama nang makumpiskahan ng mahigit P900K iligal na droga sa ikinasang buybust operation nitong Miyerkules sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Joan, 37, AWOL na pulis, at alyas Trudis, alas-4:20 ng hapon sa harap mismo ng tahanan ng mga ito.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod ng ikinasang buy-bust nang pagbentahan ng halagang P2,000 cash ang  poseur-buyer.

Nasamsam ng pulisya sa dalawa ang humigit-kumulang sa 143.6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P976,480.00 at mga drug paraphernalia, kabilang ang isang glass pipe na may bahid pa ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Show comments