Senior citizen na may alzheimer’s disease dedo sa sunog

Sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-5:23 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang sunog sa isang dalawang palapag na tahanan sa 1642 H G. Tuazon St., sa Sampaloc at pagma-may-ari ng isang Teresita Saba, ngunit ino­okupa umano ng mag-asawang kinilala lang na sina Zeny at Arthur.
File

MANILA, Philippines — Isang 69-anyos na lolong dumaranas ng Alzheimer’s disease ang nasawi matapos na makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.

Sa isinagawang mopping operation na lamang natagpuan ng mga otoridad ang bangkay na biktima na hindi kaagad pinangalanan.

Sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-5:23 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang sunog sa isang dalawang palapag na tahanan sa 1642 H G. Tuazon St., sa Sampaloc at pagma-may-ari ng isang Teresita Saba, ngunit ino­okupa umano ng mag-asawang kinilala lang na sina Zeny at Arthur.

Umabot lamang ng ikalawang alarma ang sunog bago naideklarang under control dakong alas-6:11 ng gabi at tuluyang naapula, alas-6:18 ng gabi.

Sa pagtaya ng mga otoridad nasa 50 pamilya o 200 indibidwal ang nawalan ng tahanan sa sunog na tumupok sa may 20 kabahayan na aabot sa P225,000 ang halaga ng mga ari-arian.

Show comments