P3.2 milyon ‘di rehistradong food products, nakumpiska

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P3.2 milyon halaga ng hindi rehistradong luncheon meat ang nakumpiska nang salakayin ang isang bodega sa Taguig City, kama­kalawa ng gabi.

Sa ulat, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Presiding Judge Mariam Bien, Regional Trial Court Branch 153, Taguig ay sinalakay ng mga otoridad, bandang, ala-1:30 ng hapon ang isang bodega sa loob ng Veterans Center ng nasabing lungsod.

Dito ay inaresto ang may-ari ng bodega na si alyas “Angelica”, 29-anyos; alyas “Kristine”, 44, cashier/secretary; alyas “Mhar”, 33, bodegero; at alyas “Joey,” 41.Target din sa pag-areto sina alyas “Jinky”, alyas “Harry”, ay alyas “Insu” na pawang pinaghahanap pa. Mahaharap sa reklamong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9711 (FDA Law).

Show comments