Marcos saludo sa galing ni Carlos Yulo

President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lauded Carlos Yulo for winning the first gymnastics Olympic medal for the Philippines at the Paris Olympics on Saturday.
AFP

MANILA, Philippines — “No words can express how we are proud of you, Caloy!”.

Ito ang inihayag ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang social media page matapos ang panibagong tagumpay ni Carlos noong Linggo ng gabi (Philippine time) sa vault finals ng men’s artistic gymnastics sa Bercy Arena.

Sinabi ng Pangulo na hindi lamang isa kundi dalawang medalyang ginto para sa Pilipinas ang napagtagumpayan ni Yulo.

Lahat aniya ng mga Pilipino sa buong mundo ay nagkakaisang nagbubunyi at sumusuporta kay Yulo.

Sinabi naman ni First Lady Liza Araneta Marcos sa hiwalay na post sa social media na hindi kapani-paniwala ang ipinakita ni Yulo matapos maipanalo ang ikalawang medalyang ginto at tunay na maipagmamalaki ng bansa.

Show comments