Text scam nawala nang ipagbawal ang POGO

MANILA, Philippines — Simula nang ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay napansin ni Senator Grace Poe ang pagkawala ng mga nagpapadala ng text scam.

Ayon kay Poe, kapansin-pansin ang wala nang masyadong magte-text na nanalo ng jackpot o kaya at may package ang isang cellphone user.

Nangangahulugan aniya na malaki ang kinalaman ng operasyon ng POGO sa kumalat na mga text scam.

Naniniwala si Poe na malaki ang “impact” nang naging kautusan ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. na pagkawala ng mga text scams.

Iginiit ni Poe na dapat magkaroon ng batas para sa pag-ban ng POGO upang hindi na talaga ito makabalik

Sinuportahan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, ang panukala na tuluyang i-ban ang lahat ng POGOs sa bansa.

Show comments