Dagdag sahod sa government workers, aprub na ni Pangulong Marcos

President Ferdinand Marcos Jr. leads the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) situational briefing on the effects of typhoon #CarinaPH and southwest monsoon on July 24, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Aprubado na ni Pa­ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang executive order na magbibigay ng umento sa sahod at dagdag sa mga benepisyo ng manggagawa sa gobyerno.

Ito ay matapos lagdaan kahapon ni Exe­cutive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 64.

Sa ilalim ng nilag­daang EO 64, ang updated na pasahod sa mga government workers na nakatalaga sa executive, legislative, at judicial branches; constitutional commissions at iba pang constitutional offices.

Base sa kautusan, ang mga nagtatrabaho sa Government-Owned or-Controlled Corporations (GOCCs) na hindi saklaw ng Republic Act 10149 o ang “GOCC Governance Act of 2011”, ay sakop ng EO. Kasama rin sa dagdag umento ang mga nasa lokal na pamahalaan.

Ipatutupad ang umento sa sahod sa apat na tranches. Unang matatanggap ng mga manggagawa ang umento sa sahod Enero 1, 2024; ikalawang tranche sa Enero 1, 2025; ikatlong trancheb tranche sa Ene­ro 1, 2026; at ang ikaapat na tranche sa Enero 1, 2027.

Inatasan naman ang Department of Budget and Management (DBM) na mag-isyu ng kaukulang guidelines para maipatupad ang nakasaad sa EO 64.

Show comments