MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umaabot sa P4.2-B halaga ang tinamong pinsala sa imzz prastraktura sa pananalasa ng bagyong Butchoy, Carina at habagat.
Ayon sa NDRRMC, ang Region 3 ang nagtamo ng pinakamataas na halaga ng pinsala na umaabot sa P1.6 bilyong halaga sa nawasak na 122 imprastraktura, na sinusundan naman ng Region 1 na nasa P1.5 bilyong halaga sa napinsalang 115 imprastraktura.
Samantala, umaabot naman sa 39 katao ang nasawi sa pinakahuling bulletin ng NDRRMC at nasabing bilang ay 14 ang kumpirmadong nasawi habang patuloy namang beneberipika ang 25 pa iba pa.