VP Sara, pamilya lumipad pa-Germany

Vice President Sara Duterte is about to deliver her turnover speech at the Department of Education Central Office.

Bad timing inamin…

MANILA, Philippines — Naging mainit ang paksa sa social media nang iulat ng mga netizens ang pag-alis ni Vice President Sara Z. Duterte at pamilya ng bansa sa kasagsagan ng pananalasang dulot ng Super Typhoon Carina at habagat nitong Miyerkules.

Ayon sa mga naunang balita, namataan at nakunan ng larawan ang pag-alis ni Duterte kasama ang kanyang inang si Elizabeth Zimmerman, mister na si Mans Carpio at ang kanilang tatlong anak sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 para sumakay sa Emi­rates flight papuntang Dubai, United Arab Emirates at Munich, Germany.

May ulat mula sa kanyang opisina na ang nasabing pag-alis ay upang bumisita sa kanilang mga kamag-anak na German,gayunpaman umani ang kanyang pag-alis ng batikos sa mga netizens.

Sa isang pahayag mula sa kanyang opisina, kinumpirma nitong siya ay nasa “personal trip” kasama ang kanyang pamilya sa Germany.

Sa kabila ng pagkakatapat ng nakatakda nitong pag-alis sa pananalasa ng bagyong Carina sa bansa, nanindigan itong aprubado ang kanyang biyahe at mayroong itong travel authority mula sa Office of the President noon pang July 9.

Bagama’t wala sa bansa, patuloy naman aniya ang pagtugon ng Disaster Operations Center ng kanyang opisina sa mga pamilyang binaha bunsod ng bagyo.

Show comments