Utol ni Mayor Guo, Chinese - NBI

MANILA, Philippines — Isang Chinezse national ang kapatid ni suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil  pareho ang fingerprints ng kapatid ni  Alice na si Wesley Guo sa Chinese national na si Guo Xiang Dan gayundin ang kopya ng  kanilang Philippine passport.

Sinasabing  match ang fingerprints ng dalawa gamit ang record mula sa Board of Investments (BOI) at NBI biometrics record.

Sa record,dumating sa  Pilipinas si Guo Xiang Dan noong 1999 at inilistang dependent son ni Lin Wen Yi, o ang nakarehistro ring ina ni Mayor Alice (Guo Hua Ping).

Mayroon din umanong  hawak na Chinese passport si Guo Xiang Dan na mag-e­expire sa 2025 na salitan niyang ginagamit ang kanyang Philippine at Chinese passport mula 2003.

Show comments