MANILA, Philippines — Dalawang programa ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang dinala sa Leyte para bigyan ng tig-P5,000 halaga ng financial assistance at bigas ang 8,000 na mga benepisyaryo.
Pinangunahan ni Speaker Romualdez, ang kinatawan ng Leyte, ang distribusyon ng tulong mula sa Cash and Rice Distribution (CARD) Program at Integrated Scholarship and Incentives for the Youth (ISIP for the Youth) Program sa magkahiwalay na event sa Leyte.
“Tuloy-tuloy po ang ating tulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng ayuda mula sa vulnerable sectors at sa ating mga college students. Kayo po ang ibinilin ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Kongreso na tulungan at siguruhin ang kapakanan sa panahong ito,” ani Romualdez.
Ang pamimigay ng tulong mula CARD at ISIP Program ay kalimitang isinasabay sa paglulungsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) kung saan milyun-milyong ayuda ang ipinamimigay.
Para sa CARD program, kabuuang 5,000 kuwalipikadong benepisyaryo mula sa Leyte ang nakatanggap ng tig-P5,000 financial aid sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program ng DSWD.
Nakatanggap din ang mga ito ng tig-P20 kilo ng bigas sa simpleng seremonya na na isinagawa sa Tacloban Astrodome sa Tacloban City.
Ang CARD ay isang rebolusyunaryong programa na inisyatiba ni Speaker Romualdez upang matulungan ang mga bulnerableng sektor gaya ng mga mahihirap na senior citizen, PWD, single prents, indigenous peoples at iba pa.