Ina tinadtad ng saksak sa harap ng anak!

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-5:30 ng uma­ga habang magkaangkas ang mag-ina sa kanilang motorsiklo at pababa na sana sila sa sasakyan nang sila’y dikitan ng isang hindi kilalang lalaki na nakasakay rin sa isang motorsiklo .
STAR/File

Hinoldap habang pababa ng motor

MANILA, Philippines — Patay ang isang ina matapos pagsasaksakin ng isang hinihinalang holdaper habang nakaligtas ang kasamang menor-de-edad na anak, kama­kalawa sa Brgy. Niugan, Laurel, Batangas.

Hindi bababa sa limang saksak ang tinamo ng biktima na kinilalang si Erma Salazar, residente ng nasabing lugar habang hindi sinaktan ang kasamang anak na lalaki.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-5:30 ng uma­ga habang magkaangkas ang mag-ina sa kanilang motorsiklo at pababa na sana sila sa sasakyan nang sila’y dikitan ng isang hindi kilalang lalaki na nakasakay rin sa isang motorsiklo .

Agad na inundayan ng suspek ng sunud-sunod na saksak ang ginang sa harap ng kanyang anak saka mabilis na kinuha at tinangay ng salarin ang itim na bag na dala ng mag-ina na pinaniniwalaang may lamang malaking halaga at mga cellphone.

Show comments